-- Advertisements --
Hindi na nasorpresa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa pamamalit ng liderato sa Senado.
Sinabi nito na mula pa noong nakaraang mga buwan ay maugong na ang usapin ng palitan ng liderato.
Malakas ang pangalan ni Senator Vicente “Tito” Sotto III na siyang handang kunin ang pagiging Senate President palitan si Sen. Chiz Escudero.
Bilang dating senador aniya na ang pagpapalit ng liderato sa Senado ay isang internal issue kung saan inilalabas lamang mga senador ang kanilang kumpiyansa sa bawat isa kaya mahalaga ang pag-organisa ng bawat isa.
Wala din nakikita ang pangulo na problema sa legislative agenda para sa 20th Congress sa pamumuno ngayon ni Sotto.