Pinuri ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang emergency response teams ng bagyong Uwan.
Sinabi ng pangulo na ang preemptive evacuation ay malaking bagay para sa kaligtasan ng mga tao.
Ito ang kaniyang naging pahayag sa ginanap na situational briefing dahil sa bagyong Uwan.
Ipinag-utos nito ang mga iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno na ipagpatuloy ang pagbibigay ng tulong sa mga naapektuhan ng bagyo.
Pinatitiyak din nito kay Public Works Secretary Vince Dizon ang agarang pagsasaayos sa mga nasirang kalsada para hindi maapektuhan ang mga pagdaan ng mga tulong.
Ganun din ay ipinag-utos niya sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ituloy ang pagmamahagi ng tulong sa mga naapektuhang residente at inatasan si Health Secretary Ted Herbosa na tiyakin na mayroong sapat na medical teams na nakaantabay sa lahat ng mga evacuation centers.
















