-- Advertisements --
Binati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr si Lai Ching-te matapos na magwagi bilang pangulo ng Taiwan.
Sinabi nito na umaasa ito na sa pamumuno ni Lai ay lalong mapalakas ang mutual interest ng dalawang bansa.
Nais nitong kasama ng Pilipinas ang Taiwan na isulong ang kapayapaan at kaunlaran ng mga tao sa mga taong dadaan.
Una ng inihayag ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teresita Daza na kanilang iginagalang ang One-China policy.
Pinapanatili ng Pilipinas ang de-facto embassy sa Taiwan na tinatawag na Manila Economic and Cultural Office o MECO.
Magugunitang patuloy na pa rin na iginigiit ng China na bahagi pa rin ng kanilang bansa ang Taiwan.