Muling iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala itong pakialam sa mga opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation.
Ang mahalaga aniya sa kaniya ay yung mga hindi nagbabayad ng kanilang mga buwis ay dapat magbayad o kung hindi ay sila ay makukulong.
Dagdag pa ng pangulo na makailang beses na niyang sinabi noon pa sa mga senador na nag-iimbestiga na bahala sila sa kung anong gagawin nila sa Pharmally basta ang mahalaga ay mai-deliver ang mga supplies na gagamitin na binayaran ng gobyerno.
Magugunitang pinigilan ni Pangulo ang mga cabinet members nito na dumalo sa senate blue ribbon committee hearing na nag-iimbestiga sa paglipat ng P42 bilyon na COVID-19 funds mula sa Department of Health sa Department of Budget and Management Procurement Service (PS-DBM) at ang pag-award ng supply contracts sa mga kumpanya kabilang na ang Pharmally.