-- Advertisements --
Ikinabahala ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang hindi pagpayag na siya ay dalawin sa piitan nito sa International Criminal Court.
Sinabi ni Atty. Harry Roque, ang dating tagapagsalita ni Duterte, na huling pinayagan na makapasok ang mga dalaw ay noong nakaraang linggo.
Dahil dito ay nakipag-ugnayan na ang common law wife ng dating pangulo na si Honeylit Avancena kasama ang mga abogado nila sa ICC.
Umaasa ang kampo ng dating pangulo na maliwanagan sila dahil sa mayroong mga itinakdang araw ng pagbisita sa dating pangulo.