Nagsagawa ng kilos protesta ngayong araw ang ilang grupo laban sa umano’y maanomalyang flood control projects sa EDSA Shrine sa Ortigas Avenue.
Ayon sa mga raliyista, dapat mag appoint ng mga leader na may malinis na konsensya at dangal upang hindi na masayang ang pondo ng bayan.
Kasama sa ilang progresibong grupo na naghayag ng kanilang panawagan na panagutin ang mga kurap ay ang Akbayan Youth, Tindig Pilipinas at Youth Against Kurakot.
Nanawagan naman ng suporta para sa mas mulat na pagbabantay sa mga imbestigasyon sina Khylla Meneses, Akbayan Youth Secretary General at Matthew Silverio, National Councilor ng Alliance of the Philippines.
Maglulunsad din umano ang grupo ng mas malawak na kilos-protesta sa September 21 sa ilang bahagi ng bansa.
Pinakakalma naman ng mga otoridad ang publiko upang hindi mauwi sa kaguluhan ang mga inilulunsad na demonstrasyon.