-- Advertisements --

Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kapulisan at militar na ipagpatuloy ang kampanya laban sa iligal na droga.

Sa kaniyang public briefing nitong Lunes ng gabi, sinabi nito na nababahala siya sa patuloy na pamamayagpag ng iligal na droga kahit patuloy ang paglaban ng gobyerno.

Kahit na makailang beses na aniya nitong binalaan ang mga durugista ay patuloy ang pananalasa nito sa pagsira sa buhay ng ilang kababayan.

Ikinatuwa naman ng pangulo na nililinis din naman ng mga kapulisan at militar ang kanilang hanay para tuluyang masawata ang iligal na droga.

Kahit aniya na paalis na ito sa puwesto ay sinabi nito sa mga men in uniform na dapat ipagpatuloy ang paglaban sa iligal na droga.

Inamin pa ng pangulo na tila namaliit niya ang lagay ng iligal na droga sa bansa kung saan sinabi nitong kaya niyang pahintuin ito ng hanggang anim na buwan.