Pinatitiyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kapulisan na hindi dapat makalaya si Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca, ang pumatay sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac.

Duterte palace 1

Sa kaniyang national address nitong Lunes ng gabi, inilarawan ng Pangulo na masyadong brutal ang ginawa ni Nuezca sa mag-ina.

Tinawag pa nito ng may diperensya sa pag-iisip ang nasabing police suspect.

Dagdag pa nito, dapat pakainin si Nuezca ng COVID.

Magugunitang umani ng pagkondina sa buong bansa ang nangyaring pamamaril ni Nuezca sa mag-inang sina Sonya at Frank Gregorio sa Tarlac dahil umano sa pagsita nito sa paggamit ng pampasabog na boga.