Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi over-priced ang pagbili ng gobyerno ng COVID-19 supplies sa pamamagitan ng Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM).
Sa kaniyang address to the nation nitong Huwebes ng gabi sinabi nito na ang mga presyo ng mga face mask ay mas mababa pa sa nabili ng Department of Health (DOH) at ang suggested retail price ng Department of Trade and Industry (DTI).
Dagdag pa ng pangulo na naghanap ang gobyerno ng mga gadgets, personal protective equipment at masks dahil walang suplay noong kasagsagan ng health crisis.
“Were the purchases of masks overpriced, ‘yon ang tanong. Ang sagot is no, they are not. DBM PS procured the surgical masks below the DOH, DTI suggested retail prices during that time. Mas mababa sa suggested prices ng DOH pati DTI, and whether there’s a high demand for the same, it is not accurate to compare the purchase price of surgical masks at the height of COVID-19 and during the period when the supply of surgical masks began to stabilize, mahal talaga kasi walang supply so agawan. ‘Pag maraming supply, mura, ‘pag walang supply, mahal kasi agawan,” wika ng pangulo.
Magugunitang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Senate Blue Ribbon sa overpriced na na pagbili ng mga PPE ni dating DBM Undersecretary Christopher Lloyd Lao.