Nasawi ang tatlong katao habang libo-libong kabahayan ang nasira sa matinding pagbaha sa silangang bahagi ng Romania, ayon sa mga opisyal ng bansa.
Kabilang dito ang pagkasawi ng dalawang matandang babae, edad 85 at 83.
Ayon sa emergency response agency ng bansa nasa 25 villages sa siyam na lalawigan ang apektado ng malalakas na pag-ulan na nag ugat ng mga pagbaha.
Nasira rin ang mga bubong ng mga kabahayan, nawasak na mga punongkahoy, at pag-sara ng ilang pangunahing kalsada sa lugar.
Habang sa bayan ng Brosteni sa Suceava, lahat ng daan papasok ay hindi parin madaanan. Kinailangan namang gumamit ang mga bumbero ng excavator upang makuha ang isa sa mga bangkay mula sa ilog na umapaw sa lugar.
Batay sa mga video na ibinahagi ng mga awtoridad makikita ang mga bahay at sasakyang inanod ng tubig, habang patuloy ang paghahanap ng mga posibleng biktima.
Samantala ayon sa Environment Ministry, ilang ilog pa ang umabot sa record high na antas ng tubig, at kasalukuyang isinasagawa ang pagsasa-ayos ng mga nasirang tulay.