-- Advertisements --

Ibinunyag ng Romania na mayroon silang nakitang mga drones ng Russia sa kanilang airspace.

Ayon sa Defence Minister ng Romania, nagsasagawa lamang ang kanilang fighter jets sa pag-atake ng Russia sa Ukraine ng makitta nila ang drone ng Russia sa border nila ng Ukraine.

Ang Romania na ang pangalawang bansa na miyembro ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) na mayroong nakitang paglipad ng drones na ang una ay ang Poland.

Magugunitang pinabagsak ng Poland ang tatlong drones ng Russia na sumakop sa kanilang air space.