-- Advertisements --

Pumanaw na si dating Romanian President Ion Iliescu sa edad na 95.

Ayon sa gobyerno ng Romania na hindi na nito nakayanan ang lung cancer kung saan halos dalawang buwan ito nananatili sa pagamutan.

Pinangunahan niya ang pagpasok ng Romania sa European Unon at pagiging miyembro ng North Atlantic Treaty Organization.

Bilang miyembro ng Communist Party ay napasabak siya sa madugong rebolusyon noong Disyembre 1989.

Dalawang beses itong nahalal bilang pangulo na ang una ay mula 1990 hanggang 1996 at 2000 hanggang 2004.

Kinasuhan ito ng pangungurakot at ilang mga anomalya ang kinaharap niya na mariing itinanggi niya.