-- Advertisements --

Pinagbigyan ng International Criminal Court ang hiling ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na isuspendi ang desisyon ng tribunal sa hiling ng interim release hanggang ang mga defense lawyers ay malikom ang lahat ng mga kailangan na dokumento.

Sa inilabas na majority decision, na ang Pre-Trial Chamber 1, na kanilang ipagpapaliban ang paglabas ng desisyon na may kinalaman sa interim release hanggang makita ng Chamber na ito ay nararapat na.

Nakasaad sa desisyon na kinontra ni Judge María del Socorro Flores Liera ang ruling na unang ipinalabas nina Judge Iulia Antoanella Motoc at Judge Reine Adélaïde Sophie Alapini-Gansou.

Ayon sa Tribunal na ang interim release proceedings na nakasaad sa article 60(2) ng Rome Statue na ang mga tao na may warrant of arrest ay may karapatan na humiling ng interim release.

Una ng inapela ng abogado ni Duterte na si Atty. Nicolas Kaufman noong Hulyo 14, 2025 na ang Pre-Trial Chamber ay hindi dapat kilalanin ang interim release hanggang lahat ng mga dokumento na kinakailangan ay makuha nila.

Magugunitang noong Hunyo ng hiniling ng kampo ni Duterte sa ICC ang interim release sa hindi na binanggit pa na bansa.

Kung saan isinaad ni Kaufman na hindi nabigyan si Duterte ng anumang kondisyon na nakasaad sa warrant at hindi naman banta ang dating pangulo kaya marapat na aprubahan ang interim release.