-- Advertisements --
Humingi paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga residente Palawan dahil sa mabagal na pagresponde ng gobyero matapos ang pananalasa ng bagyong Odette.
Sa kaniyang pagdalaw sa nasabing lugar sinabi ng pangulo na hirap din sila dahil sa dami ng mga nasalanta at malalayo ang mga lugar na ito na kaya bahagyang nahirapan ang gobyerno na maghatid ng tulong.
Tiniyak din nito sa mga residente na maglalaan ito ng P10-biyon na galing sa kaniyang opisina para matulungan ang mga nasalanta ng bagyo.
Nanawagan na lamang ito sa mga residente ng Palawan na habaan ang pasensiya sa pagdating ng mga tulong.