Binantaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga senador na kaniyang ipapakulong ang mga ito kapag nai-contempt ng mga ito ang mga cabinet members na hindi dadalo sa isinasagawang imbestigasyon ng Senado ukol sa overprice na pagbili ng gobyerno ng medical supplies sa Pharmally Pharmaceutical, Inc.
Sa national address nito nitong Miyerkules ng gabi, pinayuhan pa nito ang mga Cabinet officials na sumbatan ang mga senador na maninigaw sa kanila sa pagdinig.
Dapat aniya na ipaliwanag na nagtungo ang mga ito para tumestigo at magsiwalat ng katotohanan at hindi para pagsisigawan.
“Pag i-cite kayo in contempt pag malaman ko ang ikulong ko ang mga senador,” ani Duterte. “Wag ninyong hayaan na si Gordon o mga senador na mag-sigaw-sigaw sa inyo pareho lang tayo sa gobyerno.”
Magugunitang naglabas ang pangulo ng memorandum na pumipigil sa mga gabinete na huwag dumalo sa pagdinig na ginagawa ng Senado.