Ipinaliwanag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nauna nitong pahayag na kaniyang ‘shoot-to-kill order’ sa mga kapulisan at sundalo sa mga lalabag sa ipinapatupad na enhanced community quarantine dahi sa coronavirus pandemic.
Sinabi ng pangulo na gagawin lamang ito ng mga kapulisan at sundalo kapag nalagay na sa alanganin ang mga buhay nito sa mga kriminal.
Itinanggi nito na wala siyang naging pahayag na babarilin ang mga publiko na lalabag sa lockdown at paniguro nito na hindi niya obligasyon ang magsinungaling sa publiko.
Magugunitang umani ng batikos ang naging pahayag ng pangulo nitong Miyerkules sa kaniyang national address na inutusan na niya ang mga PNP at AFP maging ang mga barangay na kapag may manggulo at lumaban ay agad na barilin ang mga ito.