-- Advertisements --

Itinakda ng ilabas ng Kataas-taasang Hukuman o Korte Suprema ang resulta ng 2025 Shari’ah Special Bar Examinations (SSBE) bukas ng Miyerkules, ika-23 ng Hulyo, 2025.

Ayon sa ibinahaging pahayag ni Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Sue Mae Ting, gaganapin ito sa ganap na ala-una ng hapon na siyang makikita rin sa iba’t ibang social media platforms ng Korte Suprema.

Maaalala na ito’y nakaskedyul sana ngayong araw ng Martes, Hulyo 22, 2025 ngunit dahil sa masamang lagay ng panahon ay minabuti munang ito’y ikansela na muna.

Habang sa pagpapatuloy naman nito bukas, pangungunahan ni Associate Justice Antonio T. Kho Jr, Chairperson ng 2025 Shari’ah Special Bar Examinations ang pag-anunsyo ng mga resulta, exam statistics at ilan pang mahahalagang mga detalye.

Sa taong kasalukuyan, nasa higit 600 ang mga kandidatong kumuha ng pagsusulit gamit ang digital platform noong buwan ng Mayo, na siyang kaunaunahang beses na maisagawa.