-- Advertisements --

Natukoy na nasa mahigit 7,000 barangay sa buong Pilipinas ang delikado sa pagguho ng lupa at pagbaha dulot ng mga pag-ulan dahil sa malawak na saklaw ng bagyong Tino.

Ayon kay Office of the Civil Defense (OCD) spokesperson Junie Castillo, inabisuhan na nila ang kabuuang 7,864 barangay na kasama sa listahan ng rain-induced landslide at flooding.

Aniya, nasa 100 millimeter (mm) hanggang 150 mm ang tinatayang maranasang pag-ulan sa nasabing mga barangay.

Ito ay base sa datos mula sa Department of Environment and Natural Resources’ Mines and Geosciences Bureau (DENR- MGB).

Samantala, epektibo na rin ang forced evacuation sa mga malapit sa baybayin sa Eastern Visayas dahil sa banta ng storm surge.