-- Advertisements --

Muling naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang ash emission sa bunganga ng Kanlaon Volcano nitong Linggo, Nobyembre 2, ng hapon.

Ayon sa PHIVOLCS, nagsimula ang emission alas-1:48 ng hapon at nagtapos ng alas-2:25 ng hapon, na nagbuga ng makapal na abo naabot hanggang 400 metro pataas bago kumalat patimog-kanluran.

Magugunitang unang naitala ang ash emission kaninang alas-7:30 hanggang 7:42 ng umaga ng parehong araw.

Noong Oktubre 24, naganap din ang isang minor explosive eruption sa Kanlaon na tumagal ng tatlong minuto.

Samantala nasa Alert Level 2 parin ang bulkan, na nangangahulugang may increased unrest.

Paalala naman nga mga awtoridad na mahigpit nang ipinagbabawal ang pagpasok sa apat-kilometrong radius ng Permanent Danger Zone (PDZ) at ang paglipad ng anumang aircraft malapit sa bulkan.