-- Advertisements --

Binatikos ng ilang local showbiz personality ang hindi seryosong pagdeklara ng kanselasyon ng pasok sa paaralan at opisina ng gobyerno ng Departmen of Interior and Local Government (DILG).

Nanguna sina Jessy Mendiola at Jake Ejercito ang bumatikos sa nasabing hindi tama at tila biro at hindi seryosong pagdeklara.

Sinabi ni Ejercito na mayroong lugar o panahon para sa biro habang si Mendiola ay hindi dapat ito maging biro.

Magugunitang nadala ni DILG Secretary Jonvic Remulla ang istilo nito sa pagkansela ng pasok sa paaralan noong ito ay gobernador pa ng Cavite.

Sa ilang mga social media post kasi ni Remulla ay tila idinadaan sa biro para sa mga mag-aaral na sabik na marinig ang kaniyang anunsiyo tuwing may sama ng panahon.