-- Advertisements --

Nagpadala ng mga tauhan ang Philippine Army noong Lunes ng gabi upang tumulong sa pagsagip ng mga residenteng naapektuhan ng pagbaha sa Quezon City at Marikina.

Ayon kay Col. Louie Dema-ala, tagapagsalita ng Army, dalawang light urban search and rescue (USAR) teams mula sa 525th Combat Engineer Battalion ang isinabak sa operasyon.

Tumutok ang mga ito sa paglilikas ng matatanda, mga bata, at mga may kapansanan.

Sinabi rin ni Dema-ala na nakikipagtulungan ang Army sa mga ahensya ng pamahalaan, lokal na pamahalaan, at mga pribadong grupo para sa mas mabilis na pagtugon sa kalamidad.