Lalong lumakas ang tsansa ng pagbabalik ng mga laro ng Premier League sa darating na Hunyo 17.

Sa pinakahuling batch ng novel coronavirus test ay walang naitalang nagpositibo sa nasabing virus.

Ayon sa liga, na mayroong 1,130 na mga manlalaro, club staff ang sumailalim sa testing nitong Mayo 28-29 ay walang naitalang nagpositibo.

Mula pa kasi noong Marso ay kanselado na ang mga laro at sa pagbabalik aniya ng mga laro sa Hunyo 17 ay kinakailangan ng sundin din ang mga safety requirements.

Magugunitang nitong Sabado ay pinayagan na ng gobyerno ang pagsisimula muli ng mga laro sa England kung saan labis naman na ipinagpasalamat ni Premier League’s Chief Executive Richard Masters dahil sa muling pagbabalik ng mga laro.