-- Advertisements --

Nabigo ang Filipinas women’s football team ng bansa sa Chinese Taipei 1-0 sa kanilang friendly Game na ginanap sa Rizal memorial stadium.

Tanging si Saki Matsunaga ang nakagawa ng goal sa loob ng 27 minuto ng laro.

Ito ang unang paglalaro ng Filipinas sa bansa matapos ang tatlong taon.

Ang nasabing laro ay bilang paghahanda ng koponan para sa pagsabak nila sa AFC Women’s Asian Cup qualifiers sa susunod na mga linggo na gaganapin sa Phnom Penh, Cambodia.