-- Advertisements --
Kinumpirma na ng Philippine Football Federation (PFF) na tuluyan ng nagbitiw sa kaniyang puwesto si National Team Director at Men’s National Team Manager Freddy Gonzalez.
Ayon kay PFF President John Gutierrez na ikinalungkot nila ang pangyayari subalit kanilang nirerespeto ang pasya ni Gonzalez.
Panig naman ni Gonzalez na isang mabigat na desisyon ang ginawa niya at labis itong nagpapasalamat dahil sa napasama siya sa nasabing koponan.
Pagtutuunan na lamang niya ng pansin ngayon ang ilang mga oportunidad.
Sa pamumuno kasi ni Gonzalez ay nagkaroon ng improvement ang koponan kung saan naka-abanse ang koponan sa semifinals ng ASEAN Mitsubishi Electric Cup.