-- Advertisements --
Nakalabas na sa pagamutan si Real Madrid forward Kylian Mbappe.
Ang 26-anyos na France captain ay ilang araw na nanantili sa pagamutan dahil sa gastroenteritis.
Dahil dito ay hindi siya nakapaglaro sa 1-1 Fifa club World Cup draw laban sa Al-Hila sa Miami.
Tiniyak naman ng koponan na makakasama na nila ang kanilang forward player sa susunod na laro nila sa araw ng Linggo.