Dominado ng Philippine Women’s National Football Team ang Cambodia 6-0 sa 2026 AFC Women’s Asian Cup qualifiers.
Dahil dito ay nasa unang puwesto ang Filipinas sa Group G matapos na talunin nila noong nakaraang araw ang Saudi Arabia 3-0.
Nakapagtala ng unang goal si Alexa Pino sa loob ng 18 minuto ng laro at pagkatapos ng isang minuto ay naipasok ni Meryll Serrano ang isa pang goal.
Pagdating ng 36 minuto ay doon muli naipasok ni Serrano ang goal at bago matapos ang unang half ay naipasok ni Sofia Wunsch ang lucky break.
Sa halftime pa lamang ng laro ay hindi pa nagkukumpiyansa ang Filipinas kahit na hawak nila ang kalamangan 4-0 laban sa host country.
Isa rin sa nagtala ng goal si Chandler McDaniel sa loob ng 56th minuto ng laro.
Susunod na makakaharap ng Filipinas ang Hong Kong sa Hulyo 5.