-- Advertisements --

batangas1

Nasa 1,097 pamilya o katumbas ng 4,281 indibidwal ang isinailalim sa pre-emptive evacuation kung saan 1,077 families dito ay mula sa Calabarzon at 20 naman sa MIMAROPA.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, batay sa datos ng NDRRMC sumampa na sa 12,213 katao o nasa 2,753 pamilya na ang apektado dahil sa hagupit ng bagyong Jolina.

Sa nasabing bilang 8,600 dito ay nasa mga evacuation centers habang 2,376 naman ang displaced outside evacuation centers.

Sinabi ni Timbal, basi sa monitoring nasa limang road sections ang hindi passable at isang tulay kung saan tatlo sa Region 5 at dalawa sa Region 8.

Nasa 3,230 naman ang mga passengers, 1,040 rolling cargoes, 26 vessels at isang motorbancas ang stranded ngayon sa Region 3, Calabarzon, MIMAROPA, Region 5, Region 6 at Region 7.