Bilang tugon sa pinsala ng Bagyong Emong, nagpadala ang Philippine Red Cross ng Humanitarian Caravan patungong La Union at karatig-lugar.
Anim na yunit ang isinabak, kabilang ang service vehicle, ambulance, ERU truck, food truck, water tanker, at relief truck.
Kabuuang 14 na personnel ang kasama sa operasyon, na may kani-kaniyang gawain sa assessment, medical support, at pamamahagi.
May dalang 350 food packs para sa La Union at 300 para sa Alaminos ang relief truck.
Ang food truck ay may recharging equipment, habang ang ERU truck ay may tower light para sa gabing operasyon.
Ayon kay PRC Chairman Richard Gordon, ang caravan ay simbolo ng mabilis na pagkilos, pag-asa, at malasakit.
Gabi umalis ang caravan, dala ang pagkain, tubig, ilaw, at dugo para sa agarang tulong sa mga nasalanta.