Nakompleto na ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang parallel count ng mga election returns matapos ang anim na linggo.
Bahagi kasi ng tungkulin ng PPCRV, bilang citizen’s arm at election watchdog na suriin ang online transmission at mano-manong i-encode ang mga kopya ng election returns at protektahan ang mga boto laban sa vote-shaving o dagdag-bawas.
Hinala kasi ng ilan, nababawasan ang iba, habang napupunta naman ang nakukuha sa kanila patungo sa ibang kandidato.
Umabot naman sa 98.6% ang naitalang match rate sa natanggap na 107,785 na election returns.
Habang walong ERs ang dapat sumailalim sa imbestigasyon ng Commission on Elections (Comelec).
Sumubaybay din dito ang ilang observer para matiyak ang integridad ng nasabing eleksyon.