-- Advertisements --

Nanawagan ang poll watchdog na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) para sa mas marami pang volunteers para tumulong sa pag-audit ng elections returns (ERs) para masiguro ang transparency sa resulta ng katatapos na 2025 midterm elections.

Binigyang diin ni PPCRV spokesperson Ana Singson na ang vote counts ang pinaka-vulnerable sa manipulasyon sa kasagsagan ng transmission ng mga ito sa servers kayat mahalaga aniya ang manual checking para maberipika kung tugma ang tallies sa transmitted results online at sa physical election returns.

Ginawa din ng PPCRV official ang panawagan kasabay ng pagdating ng mas marami pang ERs.

Sa kasalukuyan, nakatanggap ang poll watchdog ng 11,860 ERs o 12.71% ng kabuuang ERs sa buong bansa.

Ayon kay Singson, maaaring palawigin pa ng PPCRV Command Center ang kapasidad nito hanggang sa 240 volunteers mula sa kasalukuyang 185 volunteers.