-- Advertisements --

Target na maibaba ang poverty rate sa bansa sa katapusan ng termino ng Marcos administration sa taong 2028.

Pagsisiwalat ni Department of Finance (DOF) Secretary Benjamin Diokno na ang naturang layunin ay bahagi ng medium-term fiscal consolidation framework ng ahensiya na iprinisenta sa unang Cabinet meeting ng pangulo.

Hindi lamang daw sa growth target nakatutok ang administrasyon kundi maging sa pagpapababa ng bilang ng mahihirap sa bansa na target na gawing single-digit ng Marcos adminsitration.

Saad pa ng DOF chief, nasa 25% ang poverty rate sa bansa noong unang taon ng termino ni dating Pangulong Duterte subalit bumaba aniya ito ng 18 to 17% bago tumama ang pandemiya sa bansa.

Kung kaya’t mayroon aniyang bahagyang pagbaba subalit ang target sa ngayon ay mapababa ang poverty rate sa 9% pagsapit ng taong 2028.