-- Advertisements --

Inaprubahan na ng mga mambabatas sa Portugal ang bagong state of emergency para labanan ang pagkalat ng coronavirus.

Magsisimula ang 15 araw na state of emergency sa Nobyembre 9.

Nakasaad sa nasabing batas kasi ng Portugal na hanggang 15 araw lamang ang bisa ng state of emergency at maari itong palawigin ng karagdagang 15 araw.

Unang inideklara ang state of emergency sa nasabing bansa noong Marso na tumagal ng anim na linggo.

Dahil dito ay magiging limitado ang galaw ng mga tao at maraming mga negosyo ang magsasara.

Pumapalo na kasi sa mahigit 166,900 na kaso at 2,792 ang nasawi matapos dapuan ng COVID-19.