-- Advertisements --

Kumpirmado na ang paghihiwalay nina Bela Padilla at ng kanyang Swiss boyfriend na si Norman Bay matapos ang mahigit apat na taong relasyon.

Ito’y matapos ilahad ng aktres sa isang press conference ng pelikulang “100 Awit Para Kay Stella” noong Miyerkules, Agosto 6, nang matanong tungkol sa estado ng kanyang love life.

“Non-existent po. I’m focusing on this and I’m enjoying this moment,” ani Padilla. Dagdag pa niya, “Yeah, we officially split. It was amicable.”

Ayon kay Bela, maayos ang kanilang paghihiwalay at nanatili silang magkaibigan. Nabisita pa umano siya ni Norman sa Pampanga noong Hulyo habang nagsisimula ang shooting ng pelikula.

“And I told him many times that he could still hang out with me, and I know I could do the same when I’m there [sa Switzerland],” ani Bela.

Habang tumanggi namang magbigay ng karagdagang detalye ang aktres ukol sa kanilang breakup.

Maaalalang nagsimula ang kanilang relasyon noong magkakilala sila sa St. Gallen, Switzerland, habang kinukunan ang pelikulang “Meet Me in St. Gallen” noong 2018. Nagdiwang ng ikaapat na anibersaryo ang dalawa noong Pebrero 2024.

Bumalik sa Pilipinas si Bela noong Marso matapos manirahan ng apat na taon sa London.