-- Advertisements --

Sinampahan ng kaso ni Bela Padilla ang isang stalker nitong lalaki.

Bago nagtungo sa Mandaluyong prosecutors office ang actress ay napablotter muna ito sa PNP at inilahad ang pangyayari.

Kuwento nito, nangyari ang insidente noong Hulyo 9, kung saan sinundan siya ng 33-anyos na lalaki na taga-Paranaque patungo sa tinutuluyan nitong condominium.

Umabot pa ng ilang minuto bago tuluyang mapaalis ng mga guardiya ang lalaki na nagpakilala umanong kaklase ng actress sa Davao City.

Ibinunyag ng kaniyang hairstylist na parehas din ang lalaki ang nagmessage sa kaniya na nais niya itong makilala.