-- Advertisements --

Bumuwelta si Bela Padilla matapos ang viral comments ng Pangasinan 2nd District Representative na si Mark Cojuangco matapos magkomento sa X (dating Twitter) tungkol sa dalawang matandang nasa bubong habang nanalasa ang bagyong Tino sa Cebu.

Sa kanyang post, nagtanong si Cojuangco,

“Bakit kasi sa flood plain gumawa ng tirahan? 🤦‍♀️ Takaw sakuna.”

Agad namang nag-react si Bela at magalang na pinuna ang pahayag ng kongresista:

“Respectfully, you don’t start giving swimming lessons to a drowning man, sir. You save him first.”
Dagdag pa niya, “Why didn’t the LGUs stop them from building there in the first place? Common folk don’t know where they can or can’t build. I mean—look at Slater Young.”

Bilang bahagi ng kanyang advocacy, nag-post din si Bela ng mga hotline numbers para sa mga nangangailangan ng tulong.

Hindi naman nakaligtas ang kongresista sa mga netizens. Ang ilan ay nagbigay ng kanilang opinyon, ilan ay tinawag na “tone-deaf” ang komento ni Cojuangco habang iba naman ay sumang-ayon sa kanya.

Tinugon ni Bela ang mga ito sa mahinahong paliwanag na dapat una munang tulungan ang mga biktima bago magturo o magbigay ng aral para sa ibang naapektuhan.

Hanggang sa kasalukuyan, wala pang pormal na tugon si Cong. Cojuangco sa post ni Bela.