Isang 15-anyos na binatilyo mula Liloan, Cebu ang ginawaran ng full scholarship matapos niyang iligtas ang higit sa 50 katao sa kasagsagan ng Typhoon Tino.
Kinilala ang batang bayani na si Jayboy Magdadaro na taga Barangay Jubay kung saan maghapong sumuong sa baha gamit lamang ang maliit na bangka upang sagipin ang mga na-trap na kapitbahay.
Bilang pagkilala, ipinagkaloob ni Mabolo Barangay Captain Atty. Daniel Francis Arguedo kay Jayboy ang buong scholarship na sasagot sa lahat ng gastusin nito sa pag-aaral at bibigyan din ang binata ng P3,000 buwanang allowance.
Ayon kay Arguedo, ipinakita ni Jayboy ang ”kabayanihan na lampas sa kanyang edad,” at nagsilbing inspirasyon sa marami pang kabataan.
Ibinahagi rin ni Jayboy ang kanyang hilig sa skimbording kung saan nakatulong sa kanya upang ma-control ang malakas na agos ng tubig baha habang inililigtas ang mga residente ng kanilang Barangay.
















