-- Advertisements --

Nagpaabot ng pakikiramay ang Miss Universe Organization (MUO) sa mga naapektuhan ng Bagyong Tino (Kalmaegi) sa Pilipinas at Vietnam.

Sa isang Instagram video, sinabi ni Victoria Kjaer, reigning Miss Universe, na kasama aniya ng MUO ang mga pamilyang nawalan at humaharap sa masalimuot na hirap ng buhay dulot ng nagdaang bagyo, at pinuri din ng oragnization ang mga awtoridad at rescue teams sa kanilang agarang pag-tugon sa mga naapektuhan.

‘United in compassion, strength, and hope. May every heart find comfort, every community find healing, and every nation rise again with resilience and light,’ ani Kjaer.

Kasabay nito, maalalang nagdeklara si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng isang taong state of national calamity matapos tumama ang bagyo sa Visayas, ilang araw matapos ang pinsalang dinulot ng Super Typhoon Uwan.

Ginawa ng MUO ang pahayag habang papalapit ang coronation night sa Nobyembre 21 sa Bangkok, Thailand, kung saan kakatawanin ni Ahtisa Manalo ang Pilipinas.