-- Advertisements --

Lalo pang lumubo ang bilang ng mga nasawi sa pananalsa ng bagyong Tino sa Pilipinas, batay sa updated report na inilabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Nobiyembre-11.

Sa naturang report, pumalo na sa 232 katao ang kumpirmadong nasawi.

Ang probinsiya ng Cebu ang nagtala ng may pinakamaraming nasawi na umaabot sa 150 katao.

Sinundan ito ng Negros Occidental na mayroong 42, habang 21 katao naman ang nasawi sa Negros Oriental.

Sa kasalukuyan, patuloy pa ring pinaghahanap ang kabuuang 112 katao na opisyal na naitalang mising. Marami sa mga ito ay pinangangambahang nadala sa malawakang pagbaha o natabunan sa mga nangyaring landslide.

Umabot na rin sa 523 katao ang natukoy na nasugatan sa pananalasa ng malakas na bagyo.

Sumentro sa Visayas ang bagyong Tino.