Naghatid na ng tulong ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga residente ng Binmaley, Pangasinan na apektado ng bagyong Uwan sa pamamagitan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Kabilang dito ang P5,265 na tulong pinansyal sa 469 na residente ng Barangay Sabangan na may bahagyang nasirang tahanan sa ilalim ng Emergency Cash Transfer Program ng DSWD, kasama rin ang Family Food Packs.
Nagpamahagi rin ang DOH ng Hygiene Kit, Oral Health Family Package, at mga galon ng tubig sa 300 residente.
Bukod pa dito, nag-alok ang DOLE ng pansamantalang trabaho sa pamamagitan ng TUPAD program para sa mga kwalipikadong taga-Barangay Sabangan.
Kinatawan ni Pangulong Marcos si Special Assistant Antonio Lagdameo Jr. na nagsagawa ng ocular inspection kasama sina Governor Ramon Guico III, Congressman Mark Cojuangco, at Mayor Pedro Merrera III.
Nagpasalamat ang mga residente, tulad ni Gng. Teresita Tamondong, sa tulong na natanggap mula sa pamahalaan at kay Pangulong Marcos.










