-- Advertisements --

Nilinaw ni Kyle Echarri ang matagal nang usap-usapan tungkol sa malapit niyang relasyon kay Piolo Pascual, sa gitna ng press conference para sa kanyang pelikulang “100 Awit Para Kay Stella” sa Quezon City.

Ayon kay Kyle, itinuturing niyang kapatid at matalik na kaibigan si Piolo, na naging malaking suporta sa kanya lalo na noong mamatay ang kanyang kapatid.

‘Mali iniisip ng mga tao. Kapatid ko ‘yan. He is a brother, a best friend of mine. Ano isipin ng tao, sa kanila na. Kami, alam namin magkapatid kami. We are best friends,’ ani Echarri.

Dagdag pa niya, nagkaroon sila ng mas malalim na ugnayan dahil sa mga pinagdaanang personal na pagsubok, at isa daw si Piolo sa mga tumulong sa kanya sa panahong iyon.

Nabatid na magkakasama muli ang dalawa sa isang inaabangang father-son action film, na aniya’y matagal na nilang pinag-uusapan.

Samantala, sinabi rin ni Kyle na wala pa siyang balak pumasok sa isang relasyon sa ngayon at mas pinipili niyang pagtuunan ng pansin ang kanyang sarili at mga mahal sa buhay.

Samantala nakatakda namang ipalabas ang pelikulang “100 Awit Para Kay Stella” sa Setyembre 10, 2025.