diego maradona Argentina
Diego Maradona

Ibinebenta ngayon sa auction ang Porsche na kotse ng pumanaw na football legend na si Diego Maradona.

Ang silver Porsche 911 ay ibinigay kay Maradona noong Nobyembre 1992 habang naglalaro sa Spanish team na Sevill sa kaniyang final season sa Europe.

Ayon sa Bonhams auctions sa Paris na may presyo ito mula $180,000 hanggang $240,000.

Isa ito sa 1,200 na klase na ginawa sa loob ng dalawang taon na mayroong 162 miles per hour ang bilis nito.

Magugunitang si Maradona ay pumanaw noong November 2020 dahil sa sakit sa puso.