-- Advertisements --
Umalis na ang head coach ng Philippine men’ football team na si Albert Capellas.
Hindi na binanggit nito ang dahilan ng kaniyang paglisan kung saan papalit sa kaniya ang assistant na si Carles Cuadrat na magiging interim coach.
Naging susi ang Spanish coach ng umabot ang mens’ football team ng bansa sa semifinals ng Asean championship noong nakaraang taon.
Dahil dito ay tatayong coach si Cuadrat sa laban ng mens’ national football team laban sa Tajikistan sa darating na Hunyo 10 sa New Clark Stadium sa nagpapatuloy na Asian Cup Qualifiers.