Nagkaroon ng $34 million deal ang Pilipinas at United States upang mas mapalago ang value chain sa merkado ng ube.
Sa isang statement na inilabas ng US Embassy in the Philippines inaasahang masusuportahan ng proyekto ang halos 12,500 na mga Filipino ube farmers sa susunod na limang taon.
Ang proyekto ay iminungkahi ng TechonoServe, isang international non-profit organization kung saan may layunin na gamitin ang negosyo at maglatag ng isang pangmatalagang hakbang upang wakasan ang kahirapan.
Inilarawan din sa statement na ang Ube ay isang importanteng raw materials para sa mga innovative food at beverages manufactures sa buong daigdig kasama na ang Estado Unidos.
Ayon pa sa US Ambassador to the Philippines Lee Lipton, na ang kasunduang ito ay isang paraan din upang mapatibay ang diplomatikong relasyon at ugnayang pang-ekonomiya ng United States at Pilipinas, na nagdiriwang din ng ika-80 anibersaryo ngayong taon.
Inilarawan naman ng Department of Trade in Industry, ang ube bilang bagong export star ng Pilipinas. Noong 2025, naitala ng DTI Export Marketing Bureau na umabot sa $3.06 million ang naexport ng Pilipinas na ube-base products.
Marami sa mga produkto ay naexport sa United States, the United Kingdom, Italy, at Middle East.
















