-- Advertisements --
Handang-handa na ang Philippine Men’s Football team sa kanilang pagsabak sa AFC Asian Cup qualifying game laban sa Tajikistan.
Gaganapin ang laro sa New Clark City Stadium sa Hunyo 10 kung saan target ng football team ng bansa na maulit ang tagumpay nila ng makaharap ang Maldives at tinalo nila sa score na 4-1.
Sinabi ni team manager Freddy Gonzalez na isang malakas na koponan ang Tajikistan dahil sa umabot ito sa quarterfinals sa huling edisyon ng Asian Cup.
Naniniwala naman ito na kayang-kaya ng kaniyang mga lineups ang visiting team na Tajikistan.
Tinalo kasi ng Tajikistan ang Timor-Leste sa score na 1-0 noong nakaraang Marso 25 at parehas sila ng standing national team ng bansa.