-- Advertisements --

Nanawagan si Pope Leo XIV nitong Linggo ng “katapangan” mula sa mga nagsusulong ng planong pangkapayapaan para sa Gaza, habang naghahanda ang mga world leaders sa isang summit na layuning wakasan ang sigalot.

Hinikayat ng Santo Papa ang mga partido na ipagpatuloy ang mga hakbang tungo sa makatarungan at pangmatagalang kapayapaan na iginagalang ang lehitimong hangarin ng mga mamamayang Israeli at Palestinian.

Ngayong Lunes, pangungunahan nina US President Donald Trump at Egyptian President Abdel Fattah al-Sisi ang summit sa Sharm el-Sheikh na layuning tapusin ang digmaan sa Gaza Strip.

Tatalakayin ng mga pandaigdigang lider ang pagpapatupad ng unang yugto ng tigil-putukan, dalawang taon matapos ang pag-atake ng Hamas noong Oktubre 7, 2023, na nagpasimula ng counter-offensive ng Israel na kumitil ng mahigit 67,000 palestinians. 

Ipinahayag din ng Santo Papa ang kanyang matinding dalamhati matapos mabalitaan ang mga bagong mararahas na pag-atake sa iba’t ibang lungsod at civilian infrastructure sa Ukraine, na nagdulot ng pagkasawi ng mga inosenteng tao, kabilang ang mga bata.