-- Advertisements --

Ibinunyag ni Pope Francis na mayroon itong papel sa pagpapalaya sa 300 mga Ukrainian prisoners na hawak ng Russia.

Sinabi ng Santo Papa na lumapit sa kaniya ang ilang emisaryo ng Ukraine sa Vatican kabilang din ang military chief.

Dala aniya nila ang listahan ng mahigit na 300 nasa Ukrainian prison na bihag ng Russia.

Dahil dito ay agad niyang tinawagan umano ang Russian ambassador at tignan kung mayroon itong magagawang paraan at hindi na nagbigay pa ng ibang detalye ang Santo Papa.

Matapos ang ilang araw ay inanunsiyo ng Ukraine ang pagpapalaya sa 215 na mga sundalo na bihag ng Russia.

Kapalit nito ay natanggap ng Russia ang nasa 55 inmates na siyang pinakamalaking bilang ng pagpapalit ng mga binihag mula ng lusubin ng Russia ang Ukraine noong Pebrero.