-- Advertisements --

Nasa Kazakhstan na ngayon si Pope Francis para sa tatlong araw na pagbisita doon.

Layon ng 85-anyos na Argentinian pope na itaguyod ang pakikipag-usap at ang promosyon ng kapayapaan sa ex-Soviet region.

Nakipagpulong ito kay President Kassym-Jomart Tokayev habang lulan ng kaniyang wheelchair dahil sa hirap na itong makalakad.

Nauna nang sinabi nito na kukunin niya ang pagkakataon na makausap ang mga mamamayan na mayroong parehas silang layon ang pagsulong ng kapayapaan.

Unang makakapulong nito ang Russian Orthodox Patriach Kirill, ang malapit na kaalyado ni President Vladimir Putin pero umatras ang mga ito dahil sa umiiwas na mapag-usapan ang gulo sa pagitan nila ng Ukraine.

Inaasahan na aabot sa 100 delegasyon mula sa 50 bansa ang dadalo sa event sa Kazakhstan.

Ito na rin ang ika-38 na biyahe na biyahe ng Santo Papa sa ibang bansa mula ng ito ay maupo sa taong 2013.