Agaw pansin sa kasagsagan ng budget briefing ng Department Budget Coordination Committee (DBCC) sa kamara ang mag-amang sina Batangas 6th District Rep. Ryan Recto at Finance Secretary Ralph Recto.
Sa interpelasyon ni Rep. Recto sa mga economic managers ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr biniro ni Secretary Recto ang anak na kung marami itong tanong ay kakalabanin niya ito sa halalan.
Sa budget briefing ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) sa House Committee on Appropriations ipinupunto ng nakakabatang Recto kung paano na missed out ng Pilipinas ang pagiging upper-middle income country dahil lamang sa ilang dolyar.
Nang si Rep. Recto na ang mag interpellate sa Development Budget Coordination Committee kabilang dito ang kaniyang ama na si Sec Recto. ipinunto ng batang mambabatas na nanatili sa lower-middle income class ang Pilipinas kung saan aniya na missed out ng bansa ang nasabing oportunidad.
Ang upper-middle class economies ay sinusukat sa pamamagitan ng gross national income (GNI) per capita, o ang average na kita na kinikita ng bawat tao sa isang bansa taun-taon, na nakuha sa pamamagitan ng paghahati ng GNI ng isang bansa laban sa populasyon nito.
Matapos ang pahayag ni Rep. Recto agad sumagot ang ama na si Sec Recto at tiniyak sa anak na makakamit ng Pilipinas ang target ang pagiging upper middle-income country ngayong 2025.