Siniguro ni Assistant Minority Leader at Akbayan Party-list Representative Chel Diokno na kanulang bubusising mabuti ang proposed 2026 National Budget.
Ayon sa mambabatas , mahalaga ito upang matiyak na mapupunta sa maayos na proyekto at programa ang buwis ng taumbayan.
Nabatid na ang panukalang pondo para sa susunod na taon ay nagkakahalaga ng aabot sa ₱6.793 trillion.
Nakahanda na ang mga tanong ni Aniya para sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang masiguro ang wasto at tamang paggugol ng naturang panukalang pondo.
Umapela rin si Diokno sa kanyang mga kapwa mambabatas na suportahan ang panukalang mandatoryong pagtuturo ng West Philippine Sea sa primary education partikular na sa mga kabataan.
Sa ganitong paraan ay tataas ang kanilang kamalayan hinggil sa mga teritoryo at karapatan ng Pilipinas sa WPS na patuloy na inaangkin ng China.