Pope Francis vatican
Pope Francis Vatican/ IG image

Naantala ang weekly address ni Pope Francis sa St. Peter’s Square sa Vatican matapos na ito ay ma-stuck sa elevator.

Umabot sa 25 minuto itong na-stuck sa elevator na nakalabas lamang sa tulong ng mga rumespondeng bumbero.

Ayon sa Santo Papa na nagkaroon ng problema sa electrical power sa Vatican kay ito naipit sa loob ng elevator.

Bago ang kaniyang talumpati ay humingi ito ng paumanhin sa mga naghihintay na deboto dahil naantala siya ng 10 minuto.

Pinasalamatan niya ang Vatican fire brigade na pinalakpakan naman ng mga dumalong deboto.